Powered By Blogger

Sunday, February 27, 2011

Ang Aking Buhay-Buhay

        Ang Talambuhay ko!


ako nung 9 months old pa lang.
ang cute ko!

yeah! artistahin!
bakit kaya ako malungkot?      




 Ako ay ipinanganak noong ika-10 ng Abril taong 1996. Lumaki akong malusog at matalino dahil sa pag-aaruga ng aking mga magulang na sina Arlyn B. Belen at Roberto C. Belen. Sila ay nag-isang dibdib noong ika-16 ng Abril 1990. Ang una nilang anak na lalaki na aking panganay na kapatid ay si John Lynbert B. Belen. Siya ay pinayalawang “John-John.” Sumunod naman ang isa pang kapatid kong lalaki at panggitnang kapatid na si Jayvee Lloyd B. Belen. Siya ay pinayalawang “Jay-Jay.” Pagkaraan ng apat na taon, ako na ang sumunod sa kanilang dalawa. Ang pangalan ko ay Jhane Kimberly B. Belen. Ako naman ay pinalayawang “Kimeeh.” Apat sana kaming magkakapatid noon ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay namatay ang aking kapatid na babae. Siya ay namatay noong ipinanganak siya. Nalaman ko ang tungkol sa nangyari noong ako ay nag-aaral ng elementarya dahil noong namatay siya ay baby pa rin ako noon. Lungkot na lungkot ako at umiyak ako dahil gustong-gusto ko ng kapatid na babae. Tinanong ko ang Diyos kung bakit niya kinuha ang kapatid kong babae noong ako ay bata pa. Ngunit aking naisip na dapat ko ng tanggapin kung ano ang nangyari tungkol sa pagkamatay niya. Dahil alam ko naman na may plano ang Diyos para sa aming pamilya. Ipinagdarasal ko na lamng siya tuwing ako ay matutulog upang malaman niyang mahal ko siya bilang kapatid. Alam ko rin na magkikita rin kami balang-araw at iyon ay sa kabilang buhay sa langit. “Life’s goes on,” ika nga nila, kaya talagang dapat kong ipagpatuloy ang buhay kahit na wala ang kapatid kong babae. Nang siya ay mamatay, ako na lang ang nag-isang anak na babae o “unica hija” ng aming mga magulang. Malungkot rin namang mag-isang anak na babae dahil wala kang instant kalaro, instant bestfriend at pwede na ring instant enemy. Naging tatlo na lang din kaming magkakapatid ngunit masaya din naman. Minsan ay nag-aaway kaming tatlo sa mga hindi pinagkakaunawang mga bagay. Ngunit lagi naman kaming nagkakabati dahil pinag-aayos kami ng aming mga magulang. Swerte din ako sa lahat ng bagay dahil “unica hija” ako. Mga bagay na aking hilingin, kailangan at gusto ay naibibigay sa akin ng aking mga magulang. Mahal na mahal nila ako pati na rin ang aking mga kapatid. Lahat ng aming kailangan ay naibigay nila sa abot ng kanilang makakaya.

ang aking ina na guro
          Aking ina na si Arlyn B. Belen ay kasalukuyang nagtuturo sa paaralang San Cristobal National High School (SPCNHS). Nagturo muna siya noon sa Lake City Christian School (LCCS) bago siya nanatili sa SPCNHS. Ang aking ina at ama ay nagpakasal noong nag-aaral pa lamang ang aking ina ng college. Pansamantala munang tumigil sa pag-aaral ang aming ina para maalagaan at masubaybayan ang paglaki naming makakapatid. Nang lumaki na kami ng konti ay nagpatuloy na rin siya ng pag-aaral dahil sayang naman ang kanyang pinag-aralan. Ginawa niya rin iyon upang may maitustos sa pag-aaral naming tatlo dahil hindi namn kaya ng aking ama na siya lamang ang nagbibiogay ng pera sa amin dahil kukulangin pa ang kinikita niya. Nagtapos siya ng Bachelor of Science sa paaralang Lungsod ng San Pablo (DLSP). Siya ay nagkamit ng karangalang Cum Laude dahil sa sipag niyang mag-aral tuwing siya ay may pagsusulit. Siya ang pinagmanahan ko ng aking katalinuhan kaya ninanais kong maging katulad din niya kapag ako ay nagtapos ng kolehiyo. Siya rin ay isang mapagmahal at mapag-arugang ina sa aming tatlong magkakapatid. Hindi siya natutulog sa gabi tuwing kami ay maysakit dahil sinisiguro niyang magiging maayos ang aming lagay kapag kami ay tumutulog. Kapag may kailangan kaming importante na kailangan na kinabukasan ay agad siyang pupunta sa bayan upang ibili kami kahit na alam niyang pagod na pagod siya. Sinisiguro niyang makakapagpasa kami sa tamang oras ng mga projects at assignments. Kahit na sobrang pagod na siya galing sa pagtuturo, ipinagluluto niya pa rin kaming lahat. Napakabuti niyang ina sa aming magkakapatid. Kahit na madalas akong nasagot at nagdadabog sa kanyang mga utos ay pinagsisisihan ko talaga iyon. Sa tuwing kaming tatlo ay may away, lagi niyang sinasabi na kung paano na daw kung wala na siya?. Eh di lagi nalang kaming magkakagalit? Kaya ginagawa ko ang lahat upang makaiwas ako sa away at mahalin na lang namin ang isa’t-isa bilang magkapatid. Siya rin ay mapagpasensya. Hanggat kaya niyang pigilan ang galit niya ay pinipigil talaga niya iyon. Ngunit kapag punong-puno na siya ng sama ng loob sa mga kasalanan namin ay doon na siya talagang galit na galit sa aming tatlo. Hindi ko naman siya masisisi dahil talagang makulit kami at ayaw sumunod sa kanyang mga bilin sa amin. Ang akin namang ama na si Roberto C. Belen ay nagtatrabaho bilang isang welder. Malapit lang ang kanyang pinagtatrabahuhan at sa katunayan ay malapit lang sa aming bahay. Iyon din ang dahilan kung bakit nagagawa pa niyang ihatid ako sa eskwelahan kahit may pasok siya. Inihahatid niya ako gamit ang kanyang bike kaya hindi nasakit ang paa ko sa paglalakad kung ako man ay papasok ng school. Sobrang pasensyoso siyang ama dahil minsan ay kapag may nagawa akong mali ay aayusin na lang niya. Ngunit nagagalit talaga siya kapag talagang sobrang mali na ang ginawa mo. Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng mga magulang na masipag, mabait at maalaga sa aming tatlo. Sila rin ang naglalaba ng aming mga damit. Sila rin ang nagluluto. Ang lagi nilang sinasabi kaya hindi nila kami hinahayaang maglaba ay sa kadahilanang ayaw nilang mahirapan kaming tatlo. Basta lagi na lang nilang paalala na mag-aral kaming mabuti at kahit anong hirap at pawis na nilalaan nila ay titiisin muna nila para sa aming pag-aaral. Talagang maipagmamalaki ang aking mga magulang. Nagtutulungan sila para may maitustos sa aming pag-aaral. Nakikita ko silang sweet sa isa’t-isa.
si kuya John-John
Si Kuya Jay-Jay
          Ang akin namang panganay na kapatid na si John Lynbert Belen ay kasalukuyang nag-aaral sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo. Siya ay isang mabait na kapatid sa aming dalawa ni kuya Jay-Jay. Siya ang nagsasaing kapag wala pa ang sming mga magulang kapag nasa trabaho pa sila. Nagwawalis din siya ng bahay at naglilinis. Siya ay nag-asawa na at ang pangalan ng aking hipag ay Maria Antonette Dorado. Ang una at kaisa-isa nilang anak ay isang lalaki. Ang pangalan niya ay Lyann Josh D. Belen. Napakagwapo ng aking pamangkin at napakamasayahin din. Kahit na nag-asawa na si kuya John-John ay nagpapatuloy pa rin siya sa pag-aaral. Kasalukuyan siyang nasa ika-apat na taon ng college. Siya rin ay magtatapos na ng kursong Business Administration ngayong Marso. Samantala ang akin namang kapatid na si Jayvee Lloyd B. Belen ay kasalukuyan ding nag-aaral sa DLSP. Siya naman ay nasa ikatlong taon na sa college. Magaling siyang magsayaw. Dahil sa galing ng grupo nilang magsayaw ay nananalo sila at kung minsan pa nga ay nasa 1st place sila. Sa katunayan nga ay tagapagturo siya ng ilang grupo na gustong manalo sa bawat kumpetisyon. Pareho kami ng hilig, music at dancing kahit hindi ako marunong sumayaw at kumanta. Siya rin ang madalas kong nakakaaway sa aking mga kapatid. Iniiwasan ko na lang na mag-away kami dahil ayaw ko nang bigyan ng sama ng loob ng aming mga magulang.
my cute pamangkin!

ang aking lolo Pinong
          Ang aking lola na si Cholita S. Becina ay maalaga sa kanyang mga apo. Siya ang nag-aalaga sa akin kapag ako ay may lagnat at sa tuwing nasa trabaho ang aking mga magulang. Magaling din siyang mag-alis ng sakit ng aming mga katawan. Lumalapit kami sa kanya upang hilutin niya kami kapag masakit ang aming katawan. Agad namang nawawala ang kirot sa aming katawan dahil sa mapagmahal niyang mga haplos. Ang paborito naming libangan ay uminom ng Coke sapagkat iyon ang paborito niyang softdrinks. Sa tuwing may okasyon ay lagi siyang bahala sa softdrinks. Ang kanya namang asawa na lolo ko ay si Josefino Becina. Lagi siyang may dalang prutas para sa aming magpipinsan. Ang akin namang isa pang lola ay si Mercedes Belen. Bihira naman kaming magkita pati na rin ng isa kong lolo.
yehey! graduate na ako!


sasayaw ako ng Carinosa
          Ako ay nag-aral ng elementarya sa paaralang Sta. Maria Magdalena Elementary School. Masaya ang buhay ko doon dahil kwela ang mga kaklase ko. Naaalala ko noong Grade 1 na ako ay napatayo ng aking guro dahil sa isang kasalanan. Nakipaglaro kasi ako ng taguan sa aking mga kaklase at ako’y talagang hindi nagpahanap sa kanila. Sa sobrang tagal ko na sa aking taguan, na-late ako sa klase ko ng hapon at nakita ako ng aking guro. Ang masaklap pa noon ay nag-iisa lang akong babae na napatayo at ang kasama ko na ay ang aking mga kaklaseng lalaki. Ipinangako ko na sa sarili ko na magbe-behave nalang ako. Natupad ko naman iyon at naging mahinhing bata. Nailalaban din ako sa ilang mga laban gaya ng Science Quiz Bee at HEKASI Quiz Bee. Nagiging honor rin ako at sa katunayan, 1st honorable mention ako nang ako ay nagtapos ng elementarya. Malunkot ako noong araw ng aming graduation dahil magkakahiwalay na kami. Pero sa tingin ko naman ay magiging mabuti ang aking buhay-high school dahil masaya raw ito.
me and my tol!
kasama ko tol ko sa ecotour!
          Hindi ako nagkamali at naging masaya naman ako sa High School life ko. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High  School at ako ay nasa seksyong 3-Science. Masaya at kwela ang aking naging mga kaklase. Naging kaklase ko din sina Honey, Janielle at Denise na kaklase ko ‘nung elemnentary. Nakapasa din sila sa Science Section. Inilaban ako sa TLE Quiz Bee at kasama ko si Khryss Leanne B. Omnes noong 1st year. Natalo man kami ay masaya pa rin dahil isa iyong opportunity ng buhay namin. Ako ay 2nd honor noong ako ay 1st year. Lumipas ang isang taon at naging 2nd year na ako. Mas lalo kaming naging close at masaya kahit lumipat na ang dalawa naming kaklase. Naging mas lalo kaming naging close ng aking “tol” na si Khryss. Naging magkapatid na ang turingan namin noong May 29, 2010. Masaya ako dahil “tol” ko na siya at may kapatid na akong babae. Minahal ko siyang parang isang tunay na kapatid dahil gustong-gusto ko ng kapatid na babae. Naging masaya ang aming pagsasama at kahit na may away kami ay pinapatawad pa crin niya ako. Sa katunayan, kagagaling lang namin sa isang away habang sinusulat ko ito. Galit na galit siya sa akin at hindi ko na babanggitin ang dahilan. Buti na lang at may puso siya para sa akin at hindi ko na siya sasaktan pa muli. Ipinangako ko na sa sarili ko na aalagaan ko siyang mabuti at iingatan ko siya dahil ayokong mawala siya sa aking piling. Lagi niya akong sinusuportahan sa aking mga achievements at ganun rin ako sa kanya. Sa katunayan ay mas masaya pa siya sa akin kapag ako ay honor at umaakyat ng stage. Nagpapasalamat ako at siya ang aking kaibigang tunay sa lahat. Hindi rin siya plastic at mahal din niya ako bilang tol. Nagtutulungan din kami sa pagrereview at paggawa ng assignments para makapasa kaming dalawa. Lagi kaming magkasundo sa lahat ng bagay maliban sa “noodles”. Pinakagusto naming pagkain ay ang “pancake” na nabibili malapit sa aming room. Nakakailan nga kami sa isang araw nun eh. Talagang masaya kaming magkasama lagi.
ang ganda ko nung JS Prom.
(noon lang yun ha) hehe
          Tungkol naman sa aking lovelife, N.B.S.B. aq, meaning No boyfriend Since Birth. Ayos lang iyon sa akin dahil masaya akong nabibigyan ko ng karangalan ang aking mga magulang. Utang ko sa kanila ang aking buhay kaya ginagawa ko ang lahat upang matuwa sila sa akin at ipagmalaki ako. Sabi rin nila na pag tapos na ako sa pag-aaral ay saka na lang ako mag-BF para makapagconcentrate ako sa pag-aaral.
          Malungkot ako ngayong 3rd year dahil may matatanggal na sa aming seksyon. Kahit naman ayaw naming may maalis ay talagang nakadepende iyon sa aming mga grades. Kahit may maalis man ay mananatili kaming magkakaibigan habang-buhay.
          Hanggang dito na lang muna at sa susunod na lang ulit.

No comments:

Post a Comment