Powered By Blogger

Saturday, February 12, 2011

Exciting Adventures nina Phineas and Ferb

Exciting Adventures nina Phineas and Ferb

Phineas and Ferb
          Ang palabas na Phineas and Ferb sa Disney Channel ay isang animated comedy series.
          Unang nabuo ang konsepto ng palabas na ito nang minsang gumuhit si Dan Povenmire, isa sa mga creator nito, ng isang batang lalaki na hugis trianggulo, na blueprint ng karakter ni Phineas Flynn.

Ang magkapatid na si Phineas Flynn at Ferb Fletcher na nakatira sa Danville sa may Tri-State Area. Nakakatuwang isipin na kahit mga bata pa sila ay nakakagawa sila ng mga imbensyon na imposibleng magawa ng ibang bata na ka-edad nila. Talagang masasabi na hindi mura ang kanilang mga isipan dahil hindi nila iniisip ang paglalaro ng mga simpleng bagay, lagi nilang gustong kumplekado ang mga laro nila. Lagi silang busy sa araw-araw sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ginagawa nila ito sa buong bakasyon. Ibang-iba sila sa ibang bata sa palabas na iton. Sa tuwing sila’y nakakagawa ng mga imbensyon, ibinabahagi nila ang saya sa kanilang mga kaibigan pati na rin sa ibang mga bata.
Ngunit ang nakakatanda nilang kapatid na si Candace Flynn ay gustong-gusto i-bust ang kanyang mga kapatid. Gusto niyang makita ng kanyang ina ang mga kakaibang ginagawa ng kanyang mga kapatid niya. Malimit niyang tinatawagan ang kanilang ina upang umuwi agad at maisumbong ang ginagawa ng mga kapatid niya. Makailang-ulit na siyang nagsusumbong, ngunit hindi siya nagtatagumpay.
Ang magkapatid ay may alaga na isang platypus. Ang pangalan nito ay Perryat siya ay silent at minsan lang mag-animal sound. Nagtatrabaho si Perry bilang isang secret agent sa O.W.C.A (Organization Without A Cool Acronym), lahat sila ay mga hayop sa organisasyong iyon. Siya ay tinatawag na Agent P. Hindi alam nina Phineas ang totoong katauhan na ito ni Perry. Siya ang lumalaban sa evil scientist na si Dr. Heinz Doofenshmirtz. Sa tuwing may ginagawang imbensyon ito, umaalis siya ng palihim at sasabihin ng commander niya na pigilan ang anumang kasamaang ginagawa ni Dr. Doofenshmirtz. Ang paglalaban nila ang dahilan kung bakit nasisira at nawawala ang mga imbensyon nina Phineas. Dahilan rin ito kung bakit hindi nagtatagumpay si Candace sa pag-bust nga kapatid niya.
Nakakakilig naman ang storya ng pag-iibigan nina Candace at Jeremy Johnson. Si Jeremy ay crush ni Candace. Sa tuwing may kasamang ibang babae si Jeremy, nagseselos si Candace, ngunit babawi naman agad si Jeremy. Sa pagdaan ng mga panahon, naging magkasintahan sila. Makikita ang pagiging sweet nila sa episode na “Summer Belongs to You”. Sa dulo ng episode na iyon ay nag-kiss sila.
Si Isabella Garcia-Shapiro ay ang leader ng Fireside Girls, troop 246329. Ang grupo nila ang tumutulong kina Phineas kapag kailangan nila ng assistant sa bawat imbensyon nila. Siya rin ay may gusto kay Phineas kaya handa lagi siyang tumulong sa kanya.

Si Stacy Hirano naman ang matalik na kaibigan ni Candace. Siya ang laging kasama ni Candace. Siya rin ang sinasabihan ni Candace ng mga sikreto. Nagiging inspirasyon ko ang kanilang pagkakaibigan dahil may kaibigan din akong napakalapit sa akin. Itinuring ko na ang kaibigan kong ito na para ko ng isang kapatid. Sabay kaming gumagawa ng mga bagay-bagay at magkasundo kami palagi.
Si Baljeet naman ay matalino sa algebra ngunit mahiyain. Lagi siyang ninu-bully ni Buford ngunit malapit sila sa isa’t-isa.





Sa kabuuan, maganda talaga ang palabas na ito dahil lahat ng pwedeng maramdaman ay mararamdaman mo, saya, lungkot, katatawanan at higit sa lahat pagmamahalan.

You can know more about Phineas and Ferb and play games by visiting: http://tv.disney.go.com/disneychannel/phineasandferb/


No comments:

Post a Comment