Powered By Blogger

Sunday, February 13, 2011

FUTURISTIC STORY COMPUTER ATTACK TO ALIEN INVASION





Lumipas ang maraming maraming taon matapos sinabing magugunaw ang mundo sa taong 2012. Hindi man ito nangyari, may kakaiba namang kaganapan sa mundo pagkatapos nito.
May isang spaceship ng na galing sa planetang Jupiterius ang lumapag sa oval ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Nangyari ang paglapag pasado alas-diyes na ng gabi, July 10, 2020. Walang masyadong nakapansin dito dahil wala ng estudyante doon at tulog na ang mga tao. Si Whatapot lamang ang nasa spaceship. Siya ay anak ni Haring Inton na hari ng planetang Jupiterius. Siya ay naglayas dahil ayaw na niya sa piling ng ama simula ng mamatay ang kanyang ina. Ayaw din niya ang gawain ng ama dahil nananakop ito ng mga lupain at maraming nilalang ang naaapektuhan at marami ang namamatay. Naawa siya sa mga namamatay dahil wala silang laban sa hukbo ng ama. Ilang beses na niyang sinabihan ang ama na huwag na iyong gawin ngunit hindi nakikinig ang ama niya kaya lumayas siya. Wala na siyang ibang mapuntahan kaya nagdesisyon siyang lumipat ng ibang planeta upang malayo sa ama. Nagbalat-kayo siyang tao upang madaling makihalubilo sa iba at pinaliit niya ang spaceship gamit ang kanyang “shrinker” upang walang ibang makaalam ng tunay niyang katauhan.
Nalaman ng kanyang ama ang paglayas ng anak at ipinahanap agad siya.
Dumating ang araw ng Lunes at pumasok na ang mga estudyante. Wala kahit isang nakapansin sa mga bakas ng spaceship dahil tinanggal lahat ito ni Whatapot. Si Ken at si Zhantal na kapwa nasa 3rd year High School na at nasa seksyong Science ay magkasintahan. Mahal na mahal nila ang isa’t isa at tumagal na ang kanilang relasyon ng isang taon. Sila ay magkatulong sa pag-aaral upang hindi mawala o matanggal ang isa sa kanila dahil ayaw nilang magkalayo. Si Ken ay magaling sa Geometry at sa lahat ng larangan ng Math at si Zhantal naman ay magaling sa Science.
Nag-enroll si Whatapot sa eskwelahang Dizon High at siya ay nailagay sa seksyong 3-science. Ginamit niyang pangalan ay Thomas Carlos. Naging kaklase niya sina Ken at Zhantal pati na rin si Jenny, kaibigan ng magkasintahan. Magaling si Thomas sa seksyon nila at naging honor pa siya. Naging malapit na ang loob ng tatlong magkakaibigan sa kanya. Natutuwa rin ang iba niyang kaklase dahil siya ay laging masaya, nagpapatawa at nagpapasaya sa kanila. Nakalimutan na ni Thomas ang kanyang kinagisnang buhay sa planetang Jupiterius. Hindi niya inaamin ang tunay niyang katauhan sa mga kaibigan dahil baka layuan siya ng mga kaibigan.
Tumagal ang kanilang pagkakaibigan at umabot ito ng isang taon. Napakalapit na nila sa isa’t-isa. Masaya silang apat at dahil dito ay nagkagusto si Thomas kay Jenny at naging sila na rin. Sabay-sabay silang na-gimik at nakain tuwing recess at maging tuwing lunch break. Lagi silang masaya at hindi nag-aaway. Paborito nilang pasyalan ang Sampalok Lake at sila ay nagba-bike pa. Inaangkas ng mga lalaki ang mga kasintahan nila at talagang safe na safe ang mga girlfriend nila. Ingat na ingat kasi sila sa pagpapatakbo ng bike upang walang mangyaring masama sa kanilang mga mahal. Gusto rin nilang umikot sa oval at kumain sa damuhan. Inihahatid naman ng mga lalaki ang kanilang mga girlfriend sa bahay nila upang masigurong makakauwi ng maayos sila. Kung minsan ay may tampuhan ang magkakasintahan ngunit konting lambing ay nagkakabati rin sila.
Naging malapit na ang araw ng eleksyon para sa Supreme Student Government. Napagdesisyunan ni Thomas na kumandidatong President dahil marami siyang gustong pagbabago sa paaralan. Tinulungan siya ng mga kaibigan sa pangangampanya. Natapos ang eleksyon at siya ay nanalo. Tuwang-tuwa sila dahil alam nilang mapapabuti ang paaralan sa kamay ng bagong presidente.
Isang araw, may binubuong formula si Zhantal sa laboratory na naglalayong buhayin ang mga bagay na walang buhay. Nagpasama siya kay Ken upang dalhin ito sa computer room upang maanalisa pang mabuti. Bigla itong nasagi ni Ken at natapon sa main source of power ng mga computer. Tumakbo agad sila upang hindi mahuli ng kanilang guro. Sinabi nila ang nangyari kay Thomas at Jenny at ipinangako ng dalawa na mananatiling tahimik tungkol dun.
Nagpatuloy ang paghahanap ni Haring Inton sa kanyang anak. Nakita niya na doon sa Dizon High ang kanyang anak. Pinadalhan niya ito ng sulat. Napansin niya na maganda ang school na iyon kaya sinabi niya sa sarili na sasakupin niya ito.
Lumipas ang ilang araw at natanggap niya ang sulat. Sinasabi ng sulat na umuwi na siya ng kanilang planeta. Sinabi din ng ama na nais niyang sakupin ang school na iyon dahil nagandahan siya sa lugar. Sinagot naman niya ang sulat at sinabing huwag iyong gawin ng ama dahil madadamay ang mga estudyante. Sumulat ulit ang ama at sinabing hindi magbabago ang isip niya at sasakupin pa rin ito.
Lumipas ang mga araw at malalim ang iniisip ni Thomas. Lagi siyang nakatingin sa malayo. Napansin ito ng mga kaibigan at itinanong kung anu ang problema niya. Wala na siyang nagawa kundi sabihin ito. Inamin din niya na isa siyang alien at nagpunta doon upang makaalis sa piling ng ama. Sinabi naman ng mga kaibigan na kahit ano pa siya ay magkakaibigan pa rin sila. Nagpasalamat siya at hindi nagbago ang pagmamahal nila sa kanya. Nangako naman ng tulong ang mga kaibigan sa problema ng kaibigan.
Nagpunta silang apat sa Computer room hanggang alas-otso ng gabi dahil may tinatapos silang group work. Napansin nila na nabubuhay ang mga computer at gumagalaw, as in they come into life. Ipinagpalagay nilang dahil ito sa chemical na natapon sa mga computers.
Lumipas ang mga araw, dumating na ang hukbo ng kanilang ama pasado alas-diyes ng umaga. Nagtakbuhan ang mga estudyante palabas ng school dahil natakot sila. Kinausap ni Thomas ang ama at nagpakilala na siya si Whatapot. Ayaw makinig ng ama at itutuloy ang pagsakop.
Lumipas ang mga oras at nagdilim na, nabuhay na ang mga computer. Sinabi ni Thomas sa mga bulletin board na bantayan ang bawat galaw nga spaceship. Sumunod naman ito. Naisip nilang gamitin ang mga computer upang talunin ang mga aliens. Ang CPU ay bumabaril ng mga CD at dahil dito ay nasusugatan ang mga aliens. Ang mga mouse naman ay pinapaltok na parang boomerang upang pataubin ang mga aliens. Ang monitor naman ay naglalabas ng mga laser beam na nakakalusaw ng mga aliens. Natalo ang hukbo ng ama at mabuti ay hindi sila inabot nga alas-dose dahil mamamatay na ang pagkabuhay ng mga computer at umalis na sila at sinabing hindi na muling manggugulo.
Naging payapa na ang school at inalis ni Thomas ang memorya ng mga nakakita sa mga alien gamit ang kaniyang kapangyarihan. Nanatili na rin siyang tao at hindi na muling nagbalik sa Jupiterius.

No comments:

Post a Comment