Powered By Blogger

Sunday, February 13, 2011

Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief






Film Review

PAMAGAT: Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief
PINANGYARIHAN: noong unang panahon Nashville, Hollywood
TEMA: tadhana at responsibilidad,tapang, pagkamatapat, tiwala at pagtataksil
ARAL: Huwag susuko at tatagan ang loob sa pagharap ng mga pagsubok.

Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief

Ang bidang si Percy Jackson ay hindi alam na anak siya ng “Greek God of the Sea” na si Poseidon. Ngunit siya’y naniniwala na nagpapatuloy pa rin ang Greek Mythology pati na rin sa mga monsters, Greek Gods, etc.
Sa tuktok ng Empire State Building, nagkita si si Poseidon at Zeus na kapwa Olympian Gods. Ipinagtapat ni Zeus na ang kanyang lightning bolt ay ninakaw at nawawala. Pinagbintangan niya ang anak ni Poseidon na si Percy Jackson na siyang kumuha bito. Sinabi ni Zeus na matatapos lamang ang kaguluhan kung maibabalik ni Percy ang lightning bolt sa kabundukan ng Olympus bago ang susunod na summer solstice.
          Si Percy Jackson ay labing-pitong taong gulang na mayroong dyslexia,Sa kabila ng pagkakaroon niya ng kapansanang iyon, may bkakayahan siyang makatagal sa ilalim ng tubig sa mahabang oras.
          Habang nasa school trip papuntang local museum soi Percy Jackson, inatake siya ng isang hindi maintindihang nilalang. Ang umatake sa kanya ay ang kanyang guro na gustong kuhanin ang lightning bolt na nagbalat-kayong Fury. Iniligtas naman siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Grover Underwood. Siya ay may kapansanan ngunit siya ay nagiging kalahating tao st kalahating ‘donkey’. Sinabi niyang kahit na siya ganoon, siya ang magtatanggol kay Percy sa lahat ng pagkakataon at kahit buhay niya ay ilalaan para kay Percy.
          Nakausap nila si Mr. Brunner, isa sa mga guro ni Percy, at sinabi na dalhin ni Grover si Percy at ang kanyang ina sa Camp Half-Blood. Umuwi na sila sa bahay ni Percy at kinaun ang nanay niya. Iniwan nila ang asawa ng ina na tamad at walang kwenta na si Gabe Ugliano. Tumanggi ang lalaki na isama ang asawa ngunit hindi nakinig si Percy at nagpatuloy sila sa pag-alis.
          Habang sila ay nasa daan papuntang Camp Half-Blood, inatake sila ng isang monster na gusyong patayin si Sally, ina ni percy, dahil hindi daw ito pwedeng pumasok sa kampo. Agad namang pinatay ito ni Percy gamit ang lakas at kakayahan niya. Tumulong din ang tagapagtanggol niyang si Grover upang puksain ang kalaban.
          Makalipas ang tatlong araw nilang paglago sa loob ng kampo kasama ang mga nagsasanay, natuklasan ni Percy na siya ay anak ni Poseidon, ang Greek God ng dagat. Nadiskubre din niya na talagang tagapagtanggol niya si Grover at si Mr. Brunner ay totoong centaur na si Chiron.
Sinabi ni Chiron kay Percy na pumunta ito sa Kabundukan ng Olympus at kumbinsihin si Zeus na talagang wala itong alam sa pagkawala ng lightning bolt at lalong hindi niya ninakaw ito. Nag-umpisa na rin si Percy sa pagsasanay ng pakikipaglaban upang maging handa siya sa bawat kalabang kanyang makakaharap sa kanyang paglalakbay.
Nakilala nila sa pagsasanay si Annabeth Chase, anak ni Athena at si Luke Castellan na anak naman ni Hermes. Nakipaglaban siya kay Annabeth upang makita ang galing niya ngunit parang siya’y matatalo. Nagkaroon siya ng mga sugat at pinanghinaan na siya. Ngunit may isang tinig na nagsabi na ang tubig malapit sa kinabagsakan niya ay ang makapagpapagaling sa kanya at makakapagpanumbalik ng kanyang lakas. Ginawa niya ito at agad siyang nagkaroon ng panibagong lakas sa paglaban kay Annabeth.
Pagkatapos ng isa niyang pagsasanay sa kampo, nagpakita si Hades, ang tiyuhin ni Percy Jackson, sa pamamagitan ng apoy. Sinabi niya kay Percy na nasa kamay niya ang buhay ng pinakamamahal niyang ina. Ipinabatid ni Hades na ibabalik lamang ang ina kung maibibigay ni Percy ang lightning bolt sa kanya.
Pinagbawalan ni Chiron na mapanganib kung pupunta siya sa Underworld kung saan naroon ang kanyang ina. Ngunit desidido si Percy na iligtas ang ina kaya hindi nito ngawang makinig kay Chiron. Isinama niya si Grover at Annabeth sa pagpunta sa Underworld.
Bago sila magtungo roon, nagpunta muna sila kay Luke. Ibinigay ni Luke ang mapa kung saan nila maaring makita ang tatlong perlas na kakailanganin nila sa paglabas sa Underworld. Ibinigay din niya ang isang pares ng sapatos na may pakpak na magagamit niya sa paglipad at isang lumang shield na magagamit sa pakikipaglaban. Nagpasalamat sila at sila’y nagpaalam na.
Tumuloy na sila sa kanilang paglalakbay. Una nilang destinasyon ay sa isang lumang hardin na lugar kung saan makukuha ay unang perlas. Pagdating nila doon, nakita nila ang mga estatwa na parang mga taong naging bato. Naka-engkwentro nila si Medusa na ang ulo ay punong-puno ng ahas at natatakluban lang ng tela. Inalis ni Medusa ang panaklob sa ulo, ngunit nanatili silang nakapikit dahil sa alam nilang kapag sila ay tumingin ay magiging bato sila gaya ng mga estatwa roon. Muntik na silang patayin ni Medusa, buti nalang at pinatay ito ni Percy. Kinuha nya ang ulo at sianbing may paggagamitan pa ito sa mga susunod na pagkakataon.
Nagtungo naman sila sa Parthenon upang kuhanin ang ikalawang perlas. Ngunit bago nila ito makuha ay kinompronta sila ng isang Hydra. Ginamit ni Percy ang sapatos na may pakpak upang kuhanin ang ikalawang perlas. Samantala, ginamit naman ni Grover ang ulo ni Medusa upang talunin ang Hydra.
Ayon sa mapa, makikita ang ikatlong perlas sa Lotus Casino sa Las Vegas. Maraming sugal doon at talagang naisip nila na makapaglibang muna sila doon. Ang mga waitress naman doon ay namimigay ng libreng lotus na pwedeng kainin ng mga tao roon. Kumain nito ang tatlong magkakaibigan at para silang na-hypnotized. Nagkaroon ng huwisyo si Percy at napansin niyang lahat ng taong kumakain ng lotus ay parang nahi-hypnotized. Makailang ulit siyang inaok ng lotus ngunit tinanggihan niya lahat. Agad niyang hinanap ang mga kaibigan at sinabing gumising sila dahil sa kumain sila ng lotus ay nakalimutan nila ang tunay na pakay sa pagpunta roon. Natuklasan nila na ang casino ay pinapatakbo ng mga Lotus-Eaters. Napaghalata ng isang nangangasiwa sa Lotus Casino na gising si Percy kaya agad niya itong ipinahuli. Bilis-bilis naman silang tumakas. Mabuti na lang at hindi sila nahuli at nakaalis sila ng maayos. Nakuha na nila ang tatlong perlas na gagamitin nila sa paglabas sa Underworld.
Bago sila magtungo sa Underworld, na-stay muna sila sa isang apartment. Namahinga sila roon bagop ulit magsimula ng paglalakbay. May nakakitang ibang tao sa ulo ni Medusa noong ito ay inilabas ni Grover. Agad itong natakot at napagdesisyunan nilang umalis na doon at tumungo na sa Underworld.
Sinalubong sila ng tiyuhing si Hades at ng asawa nitong si Persephone. Sinabi ni Percy na wala naman talaga sa kanya ang lightning bolt. Bigla namang naibagsak ni Percy ang kanyang shield at nakita nila ang lightning bolt sa loob nito, na noon pa man ay itinago na ni Luke sa shield na iyon. Kinuha ni Hades ang lightning bolt. Ngunit nagtaksil si Persephone sa asawa at kinuha rito ang lightning bolt at pinatay si Hades. Sinabi niyang na hindi na niya kayang manatili pa sa piling ng asawa kaya niya ito pinatay. Ibinigay na niya ito kay Percy.
Apat na silang lalabas sa Underworld ngunit tatlo lamang ang perlas. Napagdesisyunan ni Grover na siya na lang ang maiwan dahil handa siyang magsakripisyo para kay Percy. May gusto rin naman si Persephone sa kanya kaya ayos lang na maiwan siya.
Tinapakan na nila ang tatlong perlas at dumeretso sila sa taas ng Empire State Building. Bigla silang inatake ni Luke na gustong wasakin ang Kabundukan ng Olympus. Nakipaglaban si Percy at natalo si Luke at nakuha na niya ang kightning bolt.
Nagpunta sila sa templo ni Zeus upang ibalik ang lightning bolt. Pinatawad siya ni Zeus at hinayaang makausap ni Poseidon ang anak kahit saglit.
Makalipas ang ilang araw, nagkita-kita silang tatlo at si Grover ay may sungay na ngunit maliit lang. Bumalik sila upang magpatuloy nga pagsasanay.


Napalayas naman si Gabe sa bahay ni Sally. Nag-iwan ng note si Percy sa refrigerator na huwag itong bubuksan kahit anong mangyari. Hindi niya ito sinunod at naging bato siya dahil naroon ang ulo ni Medusa.

No comments:

Post a Comment