Powered By Blogger

Saturday, February 12, 2011

Pinakamalapit kong Kaibigan

Itinuring kang isang kayamanan.
'di ipagpapalit kahit kaninuman.
Kahit ang buhay ko'y sayo'y ilalaan.
Kung talagang ako'y iyong kailangan.

Naging katuwang ka, sa tuwi-tuwina.
Puso ko'y kay saya, kapag kasama ka.
Hindi hahayaang, ika'y mawala pa.
Mawala sa akin na parang isang bula.

Para ng kapatid, ang turing ko sa'yo.
Maraming salamat, sa kabutihan mo.
Laging iniisip, ang kapakanan mo.
Walang ibang hangad kundi sa piling mo.

Kung napalapit man, loob ko sa iba,
'di ibig sabihin, nilimot na kita.
'di iniisip, na ika'y saktan pa.
Dahil sa akin ika'y mahalaga.

Sana'y patawarin, aking kasalanan.
At aing lagapasan, ang mga tampuhan.
Ito ay balakid sa ating samahan.
Na pwedeng sumira, sa 'ting barkadahan.

         Hindi ako magaling gumawa ng tula ngunit ito'y nagawa ko dahil may naging inspirasyon ako. Ang inspirasyon ko ay ang aking pinakamalapit na kaibigan na kaklase ko sa seksyong 3-Science. Itinuring ko na siyang isang kapatid dahil lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. Lagi rin kaming magkasundo sa bawat bagay pati na rin sa pagkain, ngunit 'di kami magkasundo pagdating sa "noodles". hehe :) Sana ay hindi na kami muling mag-away dahil hindi ko kayang mawala siya. Handa akong gawin ang lahat para sa kanya dahil siya ang pinakamamahal kong kaibigan sa lahat. Ang tinutukoy ko nga pala ay si Khryss Leanne B. Omnes at ang tawagan naming dalawa ay "tol" sa dahilang magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Kaya  mahal ko siya at hindi ko siya ipagpagpapalit sa iba.

No comments:

Post a Comment